Belgian Chocko
January 26… Na file ko na ang lecheng nomination form ko para sa Most Outstanding SEC (Student Executive Committee) officer. Wala naman sana akong planong sumali jan sa mga outstanding-outstanding na yan. Pandagdag lang yan sa mga pasanin ko. Kung di lang ako binigyan ng magaling naming Division Rep ng form eh hindi ko na pag-aabalahan pa tong shit na ito, pero binigyan ako eh. Wala na akong magagawa kundi gawin ang mga dapat gawin para i file ang nomination form. Buhay nga naman. Pero besides diyan, wala nanamang tulugan tong gabing ito. I c-continue naman naming gawin ang Program namin. Tae naman talaga. Mga tao din kami mga I.T. students. Wala ba kaming karapatang magpahinga?
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
