Belgian Chocko

Project 74/366Parang pokemon lang 
March 14… Napagdeskitahan namin kaninang lunch ang mga walang kamalay-malay na mga hayop na nakita namin sa petshop na nasa tapat ng pinagkainan namin. Since walang nagsasalita ng matino, eh sinegundahan ko na lang ang pagkabobo ng mga pinansasabi namin at ito naman ang naging resulta. Napagdesisyunana namin ang mga kahahantungan ng mga nabiktima naming mga hayop kapag lumaki na sila. Sa kasamaang palad, ito lang ang nakayanan ng aming mga nagmamagalingang utak.

Project 74/366
Parang pokemon lang 

Project 73/366Ignorante mode level: 9999 
March 13… Ayokong pag-usapan ang Philo exam kasi wala naman akong naitindihan sa exam. Eh matamaan na ang matamaan ng flying marker ni sir. Pero sa araw na ito ay may nakita akong napaka amazing sa department store ng SM: mga bladeless electric fan. Mga electric fan na inalisan ng mga blades para magmukhang futuristic. Sa sobrang pagka amazed ko eh sinubukan kong ilabas-pasok ang kamay ko sa butas para siguraduhing wala talagang blades. Ignorante mode ang ending, parang tanga lang sa department store. Sorry naman, first time makakita ng ganyan eh. Ano pa nga ba, edi subukan ng malaman. 
Paglaki ko, bibili ako ng ganito. Na a-amaze talaga ako eh.

Project 73/366
Ignorante mode level: 9999 

Project 72/366POKEMON CHAMPION BEYBEH!!! 
March 12… Alam ko bukas na ang exam sa philo pero hindi ko mapigilan ang urge kong maglaro ng pokemon. Pero sa pagkakataong ito ay lalabanan ko na ang matagal ko ng kaaway na si Cynthia, ang pokemon champion ng Pokemon Pearl. Sa kabutihang palad ay nagwagi ako, at ako na ang panibagong Pokemon Champion ng Sinnoh Region. Pinapasalamatan ko pala ang aking pokemon roster:
Torterra
Staraptor
Palkia
Sneavile
Lucario
Graveler
Maraming salamat sa inyo, mga kaibigan. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makakamit ang tagumpay na ito. Salamat sa inyo, guys! :D

Project 72/366
POKEMON CHAMPION BEYBEH!!! 

March 12… Alam ko bukas na ang exam sa philo pero hindi ko mapigilan ang urge kong maglaro ng pokemon. Pero sa pagkakataong ito ay lalabanan ko na ang matagal ko ng kaaway na si Cynthia, ang pokemon champion ng Pokemon Pearl. Sa kabutihang palad ay nagwagi ako, at ako na ang panibagong Pokemon Champion ng Sinnoh Region. Pinapasalamatan ko pala ang aking pokemon roster:

  • Torterra
  • Staraptor
  • Palkia
  • Sneavile
  • Lucario
  • Graveler

Maraming salamat sa inyo, mga kaibigan. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko makakamit ang tagumpay na ito. Salamat sa inyo, guys! :D

Project 71/366

March 11… Hinahanap ko ang ibig sabihin ng aking pagiging tao kaya maaga akong natulog. Sa pagtulog ko eh napagtanto kong… may exam nga pala kami sa Philo sa darating na tuesday. Patay ako nito ng x55. Wala akong alam. Walang-wala. Ang hirap pa naman ng mga exam ni sir. Nakatsamba lang ako sa 100 na grade nung midterm, hindi na ata mauulit ngayong prefinals. Wala na talaga. Kailangang magsipag mag-aral. Bumalik ako sa pagtulog.

Project 70/366Haberdei Grand Daddy
March 10… Birthday ni grand daddy. Ata. Actually, hindi ko alam kung itong araw ba talaga birthday niya kasi hindi ko talaga alam kailang ang birthday niya. Basta ngayon lang namin isinelebreyt. Ang alam ko lang 90 years old na siya. Naka wheel chair na nga siya eh, kasi baldado na ang kalahati ng kanyang katawan dahil na stroke. Pero pinaka awesome na lolo ko yan. 
Nakakatuwa, ang daming shini-share na mga experiences ng mga pinsan ko tungkol sa kanya, ako lang yata ang walang experience sa kanya. Hindi ko alam, baka hindi rin kasi ako close sa pamilya ko. Late comer kasi ako eh. Pero kahit na, astig na astig ako sa lolo kong ito, kasi natatandaan ko, mahilig din siya manuod ng cartoons kahit matanda na siya. Parang ako lang. Sa kanya ko siguro namana ang hilig sa panunuod ng cartoons, no? 
Baka…

Project 70/366
Haberdei Grand Daddy

Project 66-69/366

March 6-9… Eh andito nanaman ako sa katamaran ko kaya iisahin ko na lang ang mga araw na ito sa pamamagitan nito:

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko kaya ganito na lang.

Project 65/366I AM FREE!!! 
Natapos na rin ang pinag-aabalahan naming SAD project (yung program na pinuputok ng butse ko). Malaya na ako mula sa walang kamatayang gabing pag c-code at pag-iisip ng mga lecheng processes para lang gumana ng maayos tong program namin. Sa wakas, hindi na uli ako zombie!!!

Project 65/366
I AM FREE!!! 

Project 64Ang pagbabalik of the comeback 
March 4… Introducing: ang ALT F4…. ay Hahahaaha…. wala lang. Pota, sabog na sabog ako pagkakakita ko nito. 

Project 64
Ang pagbabalik of the comeback 

March 4… Introducing: ang ALT F4…. ay Hahahaaha…. wala lang. Pota, sabog na sabog ako pagkakakita ko nito. 

Project 57-63

February 26 - March 3… Isang linggong hindi nakapagpost, tinatamad akong isa-isahin kaya iisahin ko na lang silang lahat. Ito lang ang masasabi ko para sa linggong it: Haggardo Versoza + Stress Drilon. Linggo ng aming technical defense sa aming Software Engineering, kabadong-kabado na ang lahat, lalo na ako kasi hindi pa natatapos ang program. Pero buti na lang sa lunes pa ang aming defense, wala kasi ang aming adviser sa linggong ito. Pero kahit na, punuong-puno ng kaba ang katawan ko, pati ang mga taba ko parang mahihimatay na sa kaba. Sasabayan pa ng “defense” kuno na binigay sa amin ng Theology teacher naming epal. And daming pinapagawa sa amin, feeling major subject. Halos mahimatay na nga kami sa preparation namin sa Thesis pati SAD (Software Engineering), magbibigay pa ng “defense” tungkol sa mga “natutunan” namin sa kanyang subject. Nakakabopols, ang sarap ipalamon sa aming aso. Pero at least tapos na yung deliryo namin sa kanya. Buti nga.

Malapit na matapos ang semester, sana makaka proceed ako sa fourth year. SANA. Para magkatrabaho at magkapera na ako. Mabibili ko na yung Gundam model na gusto ko. Pati yung nerf gun na trip na trip ko. Yung nerf gun… 

Ang larawang ito ay hinugot mula ditoProject 56/366King of The Hammer 
February 25… Inaantok na ako kakagawa ng mga shit para sa Theology orals namin. Wala na akong gana at wala pa akong sapat na tulog dahil sa Stress Drilon Night kagabi. Naisipan kong umeskapo na at umuwi kaya umalis na ako sa Gazebo ng school kung saan kami gumagawa ng report, at para makapg pahinga na rin ako sa bahay. Pero naisipan kong dumaan muna sa SM, pampalipas lang ng boredom siguro. Eh napag-alaman ko sa aking ate na bukas na daw ang Sbarro sa SM kaya pumunta ako sa Level 2 kasi sabi ni ate andun daw yun. Pero hindi ko nahagilap, totoo atang sa Annex yun ilalagay. Eh since wala doon ang hinahanap ko, pumunta ako sa World Of Fun. Antagal ko na palang hindi naka bisita dun, panay pa naman laro ko ng dance revolution dun nung highschool ako. Ang laki ng pinagbago ng WOF, sa tingin ko. Pero may isang laro dun na hindi inalis - yung King of The Hammer. Hindi ko pa nalaro yun ever since kaya ngayon sinubukan ko. Ayun, naadik. Naka 25 pesos ako dun, katumbas ng limang tokens - para lang makapalo. Bawat token dalawang beses na palo kaya naka sampung palo ako. Yung kalahati nga lang dun eh palpak kasi sinusubuk-subokan ko pa, pero at least nakapagpalabas ako ng stress. Gusto ko sanang balik-balikan yun pero parang matagal-tagal pa ata akong makakabalik dun dahil sa busy ng life. *sigh*
Nakakamiss yung mga oras na wala kang inaalala, laro ka lang ng laro hanggang sa maubos ang pera mo kakabili ng tokens. Ang sarap maging bata uli.

Ang larawang ito ay hinugot mula dito
Project 56/366

King of The Hammer 