Belgian Chocko

Project 26/366

January 26… Ang sarap sa feeling na ang taas ng binigay na grade sa iyo ng kompanyang ginawan mo ng program. From a scale of 1-4 (4 ang pinakamataas), panay 3 ang binibigay na grade sa bawat feature ng program namin. Okay na yun na grade ha. To think na marami pang bugs ang program namin tsaka meron pang mga kulang na features. Nakakagaan talaga ng feeling. Tapos napaka accomodating pa ng mga personnel ng Nikkei Jin Kai. Feeling mo close na kayo kasi ambabait nila kausap tsaka juma-jam sila sa mga jokes mo. Ang saya talaga. Mas sumaya ang feeling ko nung ang adviser naman namin ang nag grade ng program namin. Kung hindi 1 ang binibigay (kasi hindi gumagana ang particular na feature na yun), 4 naman ang nilalagay. Ang sarap ng grades, grabe. Combo breaker nga lang yung Philo grade pero at least, binawi naman ng gradong binigay sa amin ng kompanya at ng adviser namin. Pwede na akong malagay sa tahimik.

Project 25/366

January 25… Tumawag ako sa Nikkei Jin Kai kanina para makapag set ng appointment para sa gagawin naming walkthrough sa kanilang principal para ipakita ang ginawa naming program. Pagsagot ng receiver nila eh nagpa direct ako kay Mister Velasco, ang kanilang principal (sa pagkakaalam ko). Nawindang na lang ako sa pagsagot niya sa telephone, wala akong ma i reply sa sinabi niya…

Mr Velasco: Moshi Moshi.

Ako