Belgian Chocko
Beckham na Beckham
Dumating ang dati kong yaya kanina sa bahay galing Singapore. Sayang hindi ko siya inabutan kasi galing ako sa school para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin para sa orals namin sa Theo. Pagdating ko sa bahay ay ito na ang naabutan ko. Bigay sa akin ng dati kong yaya. Intimately BECKHAM. Sosyal. Hindi to bagay sa akin pero sige na nga lang. Ang ganda naman kasi ng kahon, hindi ko kayang hindi i keep.
Matapang ang bango nito. Hindi ko alam ano ang gagawin ko sa Body Wash. Paano nga ba gagamitin yan? Nabuhay ako sa tubig, sabon at shampoo lang. Paano nga ba gagamitin yan?
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
