Belgian Chocko
Ang larawang ito ay hinugot mula dito
Project 56/366
King of The HammerÂ
February 25… Inaantok na ako kakagawa ng mga shit para sa Theology orals namin. Wala na akong gana at wala pa akong sapat na tulog dahil sa Stress Drilon Night kagabi. Naisipan kong umeskapo na at umuwi kaya umalis na ako sa Gazebo ng school kung saan kami gumagawa ng report, at para makapg pahinga na rin ako sa bahay. Pero naisipan kong dumaan muna sa SM, pampalipas lang ng boredom siguro. Eh napag-alaman ko sa aking ate na bukas na daw ang Sbarro sa SM kaya pumunta ako sa Level 2 kasi sabi ni ate andun daw yun. Pero hindi ko nahagilap, totoo atang sa Annex yun ilalagay. Eh since wala doon ang hinahanap ko, pumunta ako sa World Of Fun. Antagal ko na palang hindi naka bisita dun, panay pa naman laro ko ng dance revolution dun nung highschool ako. Ang laki ng pinagbago ng WOF, sa tingin ko. Pero may isang laro dun na hindi inalis - yung King of The Hammer. Hindi ko pa nalaro yun ever since kaya ngayon sinubukan ko. Ayun, naadik. Naka 25 pesos ako dun, katumbas ng limang tokens - para lang makapalo. Bawat token dalawang beses na palo kaya naka sampung palo ako. Yung kalahati nga lang dun eh palpak kasi sinusubuk-subokan ko pa, pero at least nakapagpalabas ako ng stress. Gusto ko sanang balik-balikan yun pero parang matagal-tagal pa ata akong makakabalik dun dahil sa busy ng life. *sigh*
Nakakamiss yung mga oras na wala kang inaalala, laro ka lang ng laro hanggang sa maubos ang pera mo kakabili ng tokens. Ang sarap maging bata uli.
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
