Belgian Chocko

Project 52/366

February 21… Isang araw na akong hindi naglalaro ng Pokemon Black sa DS emulator ko at nagkakaroon na akong ng mga withdrawals. Kanina sa philosophy class namin, ibang teacher ang pumasok para bigyan kami ng evaluation sheets para i evaluate namin ang aming philo teacher. Isa siyang matandang babae pero japorms kung makasuot ng dress, parang teenager lang. Nakakatuwa ang design ng suot niya kasi parang distorted vertical lines na iba’t-ibang colors pero mostly pink, purple, white. Naalala ko tuloy yung itsura ng psybeam ng mga psychic type pokemons. Ganun na ganun ang itsura nun eh. Pagkatapos naming magbigay ng evaluation, eh umalis na si Gothorita (Yan ang pinangalan ko sa kanya. Kasi si Gothorita lang ang psychic pokemon na meron ako). Sakto namang dumating ang mataba kong philosophy teacher. Una kong napansin sa kanya eh ang kanyang color violet na poloshirt. Umandar nanaman ang withdrawal ko sa pokemon at napailing ako sa katabi ko, sabi ko, “POTA BAI! SO MUK!!!!”

Wala. Tumawa ang kaibigan ko. Alam kasi niya ang withdrawals ko sa pokemon black tsaka sabi din naman niya, “HAHAHAA… oo nga no!?”

Akalain mo nga naman, kamukha nga talaga ni sir si MUK. hahahaa