Belgian Chocko
Ang larawang ito hinugot mula dito
Project 49/366
coding to COD-ing
February 18… Friday kahapon, tinagurian na naming Stress Drilon day dahil every friday na kaming nag o-overnight at ini-istress ang aming mga sarili kakagawa ng program. Pero kung sa mga nakalipas na friday eh code kami ng code ng aming mga program, sa Stress Drilon day na ito ibang CODING nanaman ang ginawa namin. COD-ing… Call of Duty-ing. Ang ka grupo ko nagpasimuno ng lahat ng ito eh. Dapat meron pa kaming ginagawang isang malaking part sa aming program pero nasilaw ata sa spark ng putok ng mga baril sa COD kaya hindi na gaanong nakapag code sa program. Akalain mo nga naman, contagious pala itong COD-ing na ito at lahat kaming nasa kwarto eh nag COD na rin. Ayun. Wagas. Konting improvement lang sa program, malaking oras sa paglalaro.
Ang hirap pala maglaro ng walang gamit na mouse. Partida pa sa laptop. Hahaahah.
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
