Belgian Chocko

Project 44/366

February 13… Ang saya today. May nakita akong dalawang babae kanina sa jeep… Ah shut your up, diretso na tayo sa joke. Wala akong ma share ngayon

Dalawang magkaibigan, nag-uusap. Yung isa, na itatago natin sa pangalang FRIEND 1, ay tinatanong ang kanyang kaibigan, na itatago natin sa alyas na FRIEND 2, kung ano ang pangalan ni God sa tagalog. Ang hinahanap niyang salita ay BATHALA.

FRIEND 1: Tol, tol! Ano nga uli ang pangalan ni God?
FRIEND 2: Ah.. Yahweh??
FRIEND 1: Hindi eh… Yung may T-H sa gitna…
FRIEND 2: Jethuth!?