Belgian Chocko
Ang larawang ito ay ninakaw ko mula sa camera ko
Project 37/366
Windings ala Boy Koolit
February 6… Theology Class. Dinadalaw nanaman ako ng bespren kong si Don Antok. Ang lakas pa ng buga ng hangin ng aircon, nakatapat pa naman sa akin, syempre di mo magawang labanan ang combo strike ng dalawa. Pero kailangang makinig kay ma’am kasi exam week na this week. Pero hindi talaga kaya eh, kailangan ng power nap kaya iidlip muna ako sandali habang nakikinig. Mag t-take notes ako kung kailangan.
BOOM! Ang resulta: Isang di maintindihang font style. Gawa ng nagsusulat ng notes habang natutulog sa klase. Akalain mo nga naman, meron pala akong talent na ganyan. Basag nga lang ang writing. Eh bahala na. Notes na yan eh.
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
