Belgian Chocko

Project 34/366

February 3… Taers. Ayoko sanang mag overnight ngayon para gawin ang program namin eh kaya lang napilitan ako ng mga classmates ko. Pero okay lang, maganda naman yung bahay na tinuluyan namin kahit napakalayo sa kabihasnang alam ko. Gusto ko ang bahay kasi malaki, napaka modern tsaka malalaki ang kwarto. Marami ang kasya dun. Pero ang ending, walang pinagbago ang program ko kasi hindi naman ako nag code ng gaano. Pinagawa ko na lang ang isa kong kagrupo ng bagong table sa database namin, yun lang. Pagkatapos nun, naglaro na ako ng Yu-Gi-Oh sa laptop tapos binulabog ang ibang mga classmates ko gamit ang aking mga troll moves. Naman. Sayang yung overnight pero keri lang. Masaya naman ang adventure papunta dun. Nawala pa kami ng kasama ko, madilim pa talaga. Parang nasa horror movie ka lang na pag dadaan ka sa isang madilim na lugar na matatayog ang mga puno eh kukunin ka ng halimaw tapos pag p-pyestahan ang mga lamang loob mo. Swerte ko nga lang at madaming layering ang fats ko, matagal pa nilang makukuha ang laman-loob ko. Pero buti na lang hindi. Sayang ang ka chopopohan ko. Madami pa akong mga anak na ipapalabas.

Imagination nga naman, kung saan lupalop ng madilim na mundo ka ipapadpad.