Belgian Chocko

Project 32/366

February 1… Hala. February na pala ngayon no? Ambilis ng panahon. Parang kahapon lang nagdedeliryo pa kami sa mga concept documents ng aming software/program, ngayon nagdedeliryo na kami sa program namin mismo. Ambilis talaga ng panahon. Grabe.

Pero anyway, paggising ko kanina ang laki ng smile at kunot ng noo ko. May na receive kasi akong text galing kay madame Tinee:

“Good Morning! After all the evaluation, we are glad to inform you that you have made it to the top 3 nominees of the Most Outstanding SEC Officer. Please drop by the Samahan office today or call 0923******* before 9 am to set your interview time. Also note that you are required to attend the Samahan Awards tomorrow night. Thank you and congratulations!
:)”

TENGENE. Akalain mo nga naman. Nasali pa ako sa award-awardan na ito. Akala ko hindi na ako makakasama sa mga top 3 kasi naman ano nga lang naman ang ginawa  ko bilang 3rd year representative ng aming division. Nagde-design-design lang naman ako ng mga poster, tarpaulin at t-shirt ah. Paano ko to na deserve? You know? Pero kahit natuwa ako ng mataas na level, kumunot parin noo ko kasi nasali ako. Ayoko rin naman ding masali kasi ayokong ma recognize ako. Ayokong masali sa mga pa compete2x na yan. Ayoko ng mga ganyan ganyan. Gusto ko lang maging isang simpleng estudyanteng pinapasa ang lahat ng subjects. Ayoko ng mga event na nakaka induce ng superiority-inferiority complex. Gulo lang ang abot niyan eh. Tsaka imba ang susuotin bukas ng gabi sa awards night. Starry2x daw. Anu naman kaya yun? Wala akong damit na star. Ano yun? Parang cosplay lang? Starmi at Staryu? Pokemon? Ganun?

Pero andito na to eh. Once in a lifetime lang to eh. Kaya go! Grab na the opportunity. Kung di manalo, okay lang. Walang Bitter Ocampo na magaganap. Hindi ko naman din to inexpect in the first place eh. Pero kung manalo eh manlilibre ako ng pancit tsaka coke sakto sa mga less fortunate. Parang charity event lang. Parang nanalo lang sa Miss Universe na panlalaki at patabaan edition. Parang timang lang.

AH! Todo na to! Power! Power! WOOH!

  1. akosiboykoolit posted this