Belgian Chocko

Project 31/366

January 31… Birthday nga pala ng walang iba kong ate. Haberdei ate! Nag blowout ate ko sa World Palace. Pero siyempre bayad ng parents ko. Himala na lang kung manlilibre ang ate ko sa World Palace. Kantahan nanaman. Astig. Panay Sigawan at dasalan nanaman maririnig ko. Walang kamatayang sigawan at dasalan. Wala kasing gaanong magandang boses sa pamilya namin eh. Ewan ko lang ha pero maganda naman ang boses ni papichii, maganda rin kahit papaano ang boses ni ate, bakit pagdating sa akin parang combo breaker agad? Anu yun? Malas-malasan lang? Sakit ah. Pero infairness ah, maganda-ganda din naman boses ko sa iilang mga selected na kanta. Hindi mo masasabing pangit talaga boses ko. Sabihin na nating isa akong selective singer - sa mga selected songs lang maganda ang boses ko…

PWEDE.