Belgian Chocko
January 28… Wala pa akong gaanong tulog galing sa overnight namin dahil sa major project namin sa Software Engineering. Mga ilang Friday-overnight-Saturday pa din namin tong gagawin, nakakasuicide na. Bata pa ako, marami pa akong mga kaartehang kailangang matupad, ayaw ko pang mamatay. Pero bago pa man ako mawala sa mundong ito ikukuwento ko muna sa inyo ang nangyari sa kasal kanina. Ganito yun:
Habang naghihintay kami ng papichii ko tsaka ng kapatid ko at dalawang pinsan, eh nag merienda muna kami sa isang food stand sa tabi ng chapel kung saan ikakasal ang magkasintahan. Isa kasi ako sa mga groom’s men eh kaya kailangan kong dumalo sa kasal kahit haggard na haggard na mukha ko at wala pa akong matinong tulog. Ilang sandali pagkatapos naming kumain, ay may lumapit na isang lalaki sa aming grupo (ako, ate ko, mga pinsan ko… wala si papichii kasi nakikipag-usap sa isang kakilala). Nag action siya na parang makikipag high five sa akin, nag high five naman ako sa kanya at nagbeso siya sa ate ko. Nakipag-usap siya ng ilang sandali sa ate ko na parang close sila at umalis din kasi may gagawin pa daw. Pagkatapos niyang umalis ay tinanong ko ang ate at mga pinsan ko, “Ah… May question ako. Sino pala yun?”
Ako na. Ako na ang walang alam. Ako na talaga. Relatives ko pala yun. Ang sabi sa akin malayong pinsan ko daw or something. Ewan. Actually nga, hindi ko kilala ang ikakasal eh. Naririnig ko lang ang mga pangalan nila dati pero hindi ko sila kilala. Nag groom’s man ako sa isang kasal na hindi ko kilala kung sino ang ikinakasal. Ako na. Ako na talaga ang ewan. Tapos panay pa idlip ko habang nagaganap ang kasalan. Kahit nga sa pag rampa ko sa isle na kasama ang medyo matanda kong partner na bride’s maid eh haggard na haggard ang mukha ko. Konti na nga lang kakainin ko na yung mga camera ng mga photographer na nag pipicture-picture sa amin dahil sa sobrang haggard ko eh. Dun na ako nahimasmasan nung nagpalakpakan na sila kasi nag kiss na ang bride at groom. Akalain mo nga naman, tapos na pala ang kasalan. Lafchi na ang kasunod.
Pagod na ako. Makatulog na nga.
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
