Belgian Chocko
Lola? Sinong Lola?
Nagulat ang belly fats ko sa tinag na post sa akin. Eto nanaman ang mga pinsan ko sa father’s side, nag p-post ng mga ek-ek. Panay pa ang pananagalog eh bisayang-bisaya naman ang pagpapalaki sa kanila. Ang aarte kasi ng mga nilalang na ito eh. Pero besides diyan, napa-isip ako kung sinong lola ang tinutukoy nila. Lola… Lola… Lola… Sinong lola? Kasi ang iniisip ko eh yung lola ko sa mother’s side na mas close ko, eh hindi naman nila ka close yun tsaka nung December naman ang birthday nun. Mga ilang siglo ko lang natanto na yung step mother pala ng daddy ko ang tinutukoy nilang lola. Ang sama ko naman. Hindi ko naisip yung lola ko sa father’s side. Speaking of who, matagal ko na siyang di nakikita ah. Kamusta na kaya yun?
Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.
