Project 26/366
January 26… Na file ko na ang lecheng nomination form ko para sa Most Outstanding SEC (Student Executive Committee) officer. Wala naman sana akong planong sumali jan sa mga outstanding-outstanding na yan. Pandagdag lang yan sa mga pasanin ko. Kung di lang ako binigyan ng magaling naming Division Rep ng form eh hindi ko na pag-aabalahan pa tong shit na ito, pero binigyan ako eh. Wala na akong magagawa kundi gawin ang mga dapat gawin para i file ang nomination form. Buhay nga naman. Pero besides diyan, wala nanamang tulugan tong gabing ito. I c-continue naman naming gawin ang Program namin. Tae naman talaga. Mga tao din kami mga I.T. students. Wala ba kaming karapatang magpahinga?
Lola? Sinong Lola?
Nagulat ang belly fats ko sa tinag na post sa akin. Eto nanaman ang mga pinsan ko sa father’s side, nag p-post ng mga ek-ek. Panay pa ang pananagalog eh bisayang-bisaya naman ang pagpapalaki sa kanila. Ang aarte kasi ng mga nilalang na ito eh. Pero besides diyan, napa-isip ako kung sinong lola ang tinutukoy nila. Lola… Lola… Lola… Sinong lola? Kasi ang iniisip ko eh yung lola ko sa mother’s side na mas close ko, eh hindi naman nila ka close yun tsaka nung December naman ang birthday nun. Mga ilang siglo ko lang natanto na yung step mother pala ng daddy ko ang tinutukoy nilang lola. Ang sama ko naman. Hindi ko naisip yung lola ko sa father’s side. Speaking of who, matagal ko na siyang di nakikita ah. Kamusta na kaya yun?
Project 26/366
January 26… Ang sarap sa feeling na ang taas ng binigay na grade sa iyo ng kompanyang ginawan mo ng program. From a scale of 1-4 (4 ang pinakamataas), panay 3 ang binibigay na grade sa bawat feature ng program namin. Okay na yun na grade ha. To think na marami pang bugs ang program namin tsaka meron pang mga kulang na features. Nakakagaan talaga ng feeling. Tapos napaka accomodating pa ng mga personnel ng Nikkei Jin Kai. Feeling mo close na kayo kasi ambabait nila kausap tsaka juma-jam sila sa mga jokes mo. Ang saya talaga. Mas sumaya ang feeling ko nung ang adviser naman namin ang nag grade ng program namin. Kung hindi 1 ang binibigay (kasi hindi gumagana ang particular na feature na yun), 4 naman ang nilalagay. Ang sarap ng grades, grabe. Combo breaker nga lang yung Philo grade pero at least, binawi naman ng gradong binigay sa amin ng kompanya at ng adviser namin. Pwede na akong malagay sa tahimik.
Sir TOMACRUZ! Hindi ko deserve to! Ginalingan ko naman halos lahat ng ginawa ko, bakit ito ang binigay mo na grade? Mas nakakairita pa na hindi mo man lang pinatong sa 75 ang grade ko. Mas na a-accept ko pa yung mga grade ko sa Philippine Constitution dati kahit panay line of 7 yun pero ito? Grabe naman to sir!
Project 25/366
January 25… Tumawag ako sa Nikkei Jin Kai kanina para makapag set ng appointment para sa gagawin naming walkthrough sa kanilang principal para ipakita ang ginawa naming program. Pagsagot ng receiver nila eh nagpa direct ako kay Mister Velasco, ang kanilang principal (sa pagkakaalam ko). Nawindang na lang ako sa pagsagot niya sa telephone, wala akong ma i reply sa sinabi niya…
Mr Velasco: Moshi Moshi.
Ako: 
Pasalamatan natin ang mahiwagang printscreen para sa larawang ito
Nakikipag-usap ako sa Operating Systems teacher ko kasi hinihingi niya yung design ng poster at tarpaulin na ginawa ko. Ang hirap makipag inglisan… Ang hirap…
Project 24/366
January 24… Akalain mo nga naman, nagkaroon uli ako ng buhay na gawin uli ang SAD technical output namin. Buti naman at nagkaroon ako ng idea kung paano i s-solve tong problema ko sa pag-a-add ng grade sa student. Pa price tag kasi tong part na to sa program namin eh. Palibhasa kasi web based, ang daming arte. Pero keri lang. Tapos naman ako sa mga designs sa posters and tarpaulins ko eh so KERING KERI. Dahil jan isa nanamang papiyesta para sa inyo:

Sikat na sikat tong uhmm… ewan ko anong tawag dito sa nilalang na ito. Pero I hope na masisiyahan kayo sa pagmumukha niya.
Project 23/366
January 23… Hindi ko na maalala ang nangyari sa araw na to. Napaka boring siguro… ay hindi. Meron palang nakaka happy na naganap. Nanood kami ng Sherlock Holmes ng iilan sa mga classmates ko. Astig pala ng movie na ito. Kahit nung Sherlock Holmes 1, naastigan na ako, dito pa sa 2 na sobrang na mind blown na ako. Grabe, ang astig. Dahil jan, bibigyan ko kayo ng pick up line:
Yosi Vendor ka ba? Kasi you give me HOPE and MORE.
Connection? Wala. Wala nang pakialamanan ng trip diyan.
Project 22/366
Nakaka stress ang life
January 22… Binombahan ako kagabi ng mga superiors kong mga loko na gumawa ng mga tarpaulin at poster designs para sa kung anu-anong mga ka ek-ekan sa school. Istress na istress na ako sa mga ito, tapos meron pa akong gagawing concept paper para sa eliminations ng mini UTAKAN (isang contest) namin. Tapos epal pa tong pag c-code ko sa program namin, hindi tama yung mga sql queries ko. Sana naman buhay pa ako pagkatapos ng semester na ito.
Ang larawang ito ay hinugot mula sa malalim na sulok ng internet
Kung ito ang teacher mo, magdadalawang-isip ka pa bang pumasok sa Algebra class mo?

Ralph dela Cerna. 19. Laking Davao, proud to be. Isa akong bum na chopopo sa ngayon pero balang araw magiging isa ako sa mga maipluwensyang tao gaya ng gumawa ng tetris battle at puzzle bubble. Mahilig ako sa mga games pati sa spaghetti. Minsan nilalaro ko ang spaghetti pag wala akong makitang games. Minsan naman kinakain ko ang mga games kapag walang spaghetti. Baliw ako. Baliw na baliw para sa iyo. Ayoko ng mga ganitong paliwanang, wala akong matinong masasabi. Pinoy ako. Mahilihg ako umutot. Rose.

